Walang hiyang buhay nga naman ito! Akalin mo nga naman, nagulpi pa ako kanina habang ako’y pauwi sa pamamalengke. Linkit na mga tambay sa kalye, mga salot. Wala naman talaga akong masamang pakay, pinagsasabihan ko lamang sila! Umagang umaga ba naman, tumutungga na ng ginebra at beer na beer. Ang ingay ingay pa, nakagugulo sa mga taong mahimbing pa ang tulog. Sinuway ko sila, pinagsabihan na huwag manggulo. Gusto ko rin sanang sabihin sa kanila na magkaroon naman ng konting silbi: magbasa na lamang ng libro para man lang madagdagan ang kanilang kaalaman at maging mas mulat sa mga nangyayari sa kanilang ginagalawang mundo. O hindi kaya mag-ehersisiyo o kaya maglaro na lamang ng sports para sila’y malibang. Bago ko pa masabi ito, hinampas na ako ng bote sa ulo! Nakalaban ako, nasiko ko ang isa sa ilong habang ang isa naman ay na-punch kick ko sa lugar na hindi kanais-nais matadyakan, ngunit ang isa pa nilang kasama ay nasuntok na ako sa may likod. Napabagsak ako, una ang mukha sa kongkretong sahig. Pinagsisipa na nila. Hindi ko inakalang malakas pala ang mga tambay sa aking lugar. Gayot na gayot. Mukhang sanay makipagaway, mga tarantado! Hindi na malinaw ang aking paningin dala ng pagkamaga ng aking kanang mata. Nakita ko ang isa sa kanila ay humugot na ng matalim pero buti na lang dumating ang mga tanod para pigilan sila.
Nagmamagandang loob lang naman ako! Ayoko lang nasasayang ang oras at talento ng mga kababayan ko! Kakapanuod ko lang ng UFC nitong nakaraang linggo, at sa tingin ko kanakailangan ko nang matuto ng mixed martial arts. Muay Thai at BJJ siguro, tulad ng pinoy na si Brandon Vera.
O kung hindi Muay Thai, maaari ring Boxing nalang. Magpapaturo ako kay Manny Pacquiao ang pambansang kamao. Itong si Manny bayaning-bayani tulad ko!
Kaya hindi umaasenso ang mga Pilipino, walang inatupag kung hindi ang mga bisyo. Angal ng angal sa mahirap na buhay pero hindi nagsisikap. Kailangan makahanap ako ng paraan para tulungan sila, kahit na inaway lang nila ako.
Jose "pepe" Rizal
Shaun Lim
Thursday, December 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment