Monday, December 7, 2009

Mi ultimo takbo

Naaalala ko nuong ako'y nag-aaral pa lamang sa unibersidad ng Ateneo sa intramuros. mahilig ako sumakay sa mga kalesa sapagkat kapag nasa kalesa ay masmatangkad at masmataas ang nakikita ko kesa sa mga naglalakad lamang.

mga hangal. sinong maliit ngayon?

ang nagmamaneho ng aking kalesa ay isang sanay na maginoo na nagngangalang Tsuper Schumacher. Uste ang palayaw sa kanya ng mga tao. Marahil ito ay dahil siya ay Aleman at six footer. Hindi ko naiintindihan ang mga Aleman. Hindi ako matangkad.

Nais kong magpuntang Alemanya balang araw.

Nais ko rin tumangkad.

Oh well.. papel.

noong isang gabi na nagkakalesa kami ni Ginoong Tsuper Schumacher ay napadaan kami sa balete drive. madilim sa kalyeng ito at tahimik. kaming dalawa lang ni Ginoong Tsuper Schumacher sa kalye kaya upang libangin ko ang sarili ko at hindi maabala sa mga kwento ng mga nanay ko ukol sa mga mumu at paranormal activity, nagisip ako ng kwento na aking magagamit upang mamulat ang mga mata ng mga kababayan ko, matangkad man o maliit, sa mga kasakiman ng mga espanyol sa bansang pilipinas.

Siguro masmaganda ang istoryang ito kung gagawin kong bampayr ang bida. hmm.

sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay may namataan akong paggalaw sa bandang kanan ng kalsada. noon aking suriin nang masmaigi kung ano iyon ay napansin ko na ilaw lang pala. may dalawang kulay pulang ilaw na lumulutang sa dilim. tumaas ang balahibo sa likod ng aking kabayo. este. leeg.

unti unting luminaw kung ang kabuuan ng mukha ng siyang nagmamay-ari ng pulang mga matang nakatitig sa akin at wala akong nagawa kung hindi manigas sa pwesto at mapaisip kung bakit ako naglalate night drive.

Anak ng pari.

QUE HORROR! USTE! RAPIDE!

ako'y sumigaw sa aking kaibigang aleman. ilayo mo ako dito aking kaibigang mahilig sa kabayo. sapagkat ang mukhang nakita ko ay masmasahol pa sa mabahong isda.

"ano po sabi mo kohya?"

maria clara.

isusumpa ko sa aking matinding plantsadong buhok na hindi na ako sisigaw sa espanyol kapag nakaligtas ako sa mumu na ito.

GO USTE! GO USTE! GO GO GO GO!

bakit ba ako sa akin nagpapakita ang mumung ito? sabi sa akin ng mommy ko sa mga buntis na chicks lang daw to nagpapakita o kaya doon sa mga nakakaranas ng regla. hindi naman ako buntis. at hindi ako rineregla sapagkat maliit man ako ay gwapo ako at hindi ako chicks.

bigla kong naalala na mahilig maghalo ng sabaw ng sinigang ang mommy ko.

stir.

hindi ko malilimutan ang gabing iyon. pinatakbo ni uste ang kanyang kabayo at ako'y napasubsob sa aking upuan dahil sa biglaang pagbilis ng takbo ng kalesa. hindi ako makatingin sa likuran namin sa takot na baka hindi pa rin nawawala ang mga matang iyon.

sa sandaling iyon ay napagpasyahan ko ang dalawang bagay.

una, lilipat na ako sa paris.

pangalawa, hinding hindi ako maglalagay ng bampira sa aking nobela.




-Jose Rizal
(Ashley Siy)

No comments:

Post a Comment