Tuesday, December 8, 2009

Bangungot ng Ulong Bunot

Paalis na ako kasama ng aking mga kaibigan patungong Europa. Hindi namin alam kung gaano katagal ang aming paglalakbay. Basta ang alam namin dadalin kami nitong barko patungo sa mas mabuting hinaharap. At hindi ko rin alam kung ano man haharapin namin roon. Ihihiwalay kaya tayo doon nga mga Espanol at tratratuhing mababa dahil di lang nila tayo kalahi? O aalipustahin ba kami roon ng mga guro at ng mga prayle? Napakaraming maaaring mangyari, ano kaya?

TEKA!!!!

Paano kung hindi rin namin alam kung aabot kami sa aming pupuntahan dahil gabi at tila napundi ang mga bituin sa aming paligid. Dahil wala na ring makita rito at hindi ko na nakikita kung tama ang aking mga pagbaybay, itutulog ko na lamang.

Sa aming matinding at napakatagal na paglalakbay sa karagatan, isang kalabog ang aking narinig. Napakabigaqt na mga apak ang aking naririnig at parang may humahampas sa aming barko. Baka tubig lamng ito? O baka may nag-iingay lamang na mag-nobiyo at nobiya (HAHA)...Pero para panigurado, matingnan rin nga...

Sa aking pagbukas ng pintuan, isang prayle ang aking nadatnan. Hindi lang katamtamang tangkad na prayle kundi isang Higanteng kataas ng mga imprastraktura. Napakataas niya!!! Isang kalbong ngunit di kalbong prayle. Walang buhok sa itaas ngunit sa lahat ng paligid mayroon din. Naglalaway pa at walang modo kahit prayle pa man din siya. Napakadumi ng kanyang tsokolateng kasuotan. Hindi man nalabahan o 'di man inalagaan; may mga mantsa-mantsa pa ng ano yun....ng Dugo!!!!

Dahil rito, ako tumakbo sa ilalim ng kaniyang binti. Dinaanan ko ang mga patay na kuko. Kahit ako'y lumagpas na sa kaniya, hindi ko siya maiwan. Patuloy niya akong hinabol sa buong barko hanggang makuha niya ko ng isang kamay. Binuhat niya ako at pinipisil nang mahigpit. Unti-unti na kong nawawalan ng hangin at nung nawalan na ko ng malay.

Ako'y nagising na rin pero hingal na hingal..Tila tumakbo ako at nawalan ng hangin, parang sa panaginip lang ngunit totoo..nakapagagabag...

Anak na Pepe
(Carlo Balmaceda)

No comments:

Post a Comment