noong isang gabi, wala akong magawa. nabasa ko na lahat ng mga librong nais kong basahin. nabato na ako sa sobrang walang gumawa, pero bigla na lamang dumating si Andres Bonifacio, nagmamadali. ang sabi ko sakanya, huminahon ka, ano bang nangyayari? sagot ni Bonifacio. "mayroon na akong nahanap na paraan para tayo'y kumita ng madaling pera! mabilis lang!" natuwa naman ako si ideya niya, sino ba naman hindi gustong kumita ng pera. tinanong ko naman siya, "Eh ano naman yan papasukin natin?" sabi ni Bonifacio, "pupusta tayo sa NBA!"
"NBA? ano naman yun? anong klase pustahan yan?"
"Ang NBA ay National Basketball Association! Basketball kapatid! madali lang ito! hindi ko na mapapaliwanag sayo ang laro, pero alam ko kung kanino tayo dapat pupusta! pupusta tayo dun sa magaling, sinabihan na ako kung sino ang magaling kaya sigurado na ito!"
"Sinu-sino ba ang maglalaban?"
"Ang LA Lakers pati ang Charlotte Bobcats! +9.5 ang Bobcats, kaya sure LA na tayo! champion sila yun nakaraang taon, ang charlotte laging kulelat dati, kaya LA na tayo! nandun pa si Kobe Bryant, magaling yun! bali na daliri, magaling parin! Ano, maglalagay na ako ng isang libo! Eto na ang naipon ko, sali ka na!"
"sigurado ka ba diyan? Kobe Bryant sabi mo? pano naman naging maging eh bali pala daliri! + 9.5, ang ibig sabihin ba nun ay idagdag yun sa puntos ng Bobcats?"
"oo, ganun na nga. pero wag mong intidihin yun! ako
bahala, sabi ko nga sayo champion ang lakers dati! kahit na isa nalang din ang kamay ni kobe, magaling parin yun!"
"Dati lang naman yun ah, at sabi mo DATI lang din bulok at kulelat ang Bobcats!"
"bahala ka na nga. basta ako kikita ng pera!"
napaisip tuloy ako. pera din yun. champion nga naman ang LA Lakers, may tiwala naman ako kay Bonifacio. hmmmmm..........
"teka teka. sige na nga! isang libo rin ang ilalagay ko!"
"yan! sige babalitaan nalang kita kung kelan natin makukuha ang pera natin ;)"
noong susunod na araw, maalat ang mukha ni Bonifacio. ALAM NA.
Sa susunod, hindi na ako basta basta pupusta sa NBA na yan. wala naman akong alam diyan. nasayang pa pera ko. o hindi kaya, kukuha ako ng mas may alam sa NBA, so Bonifacio mukhang puro tapang lang, laban lang ng laban. hay nako, sa susunod pag nakapag-ipon na ako baka bumawi narin ako!
-Pepe
(Shaun Lim)
Thursday, February 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment