Thursday, February 18, 2010

Pena

Ang pangatlong nobela ni Dr.Jose Rizal ay Pena (Regret). Ito ang pagpatuloy ng kuwentong nagmukhang natapos sa El Filibusterismo. Ngunit sa panahong ito, hindi na si Crisostomo Ibarra o Simon ang bida kundi si Isagani, ang naglitas sa sambayanan mula sa paputok na inilagay nila Simon. Dahil sa kabayanihan na isinagawa ni Isagani, napakalaking utang na loob ng lahat ng Kastila sa kanya at dahil dito, binigyan siya ng mga papuri na sobra-sobra. Umangat na ang kaniyang pamumuhay at biglaan na siyang nagustuhan ni DOnya Victorina, ang tiya ni Paulita Gomez, ang kaniyang kasintahan.

Ngunit sa patuloy na pag-angat ng kaniyang pamumuhay, naguguluhan ang kaniyang isipan dahil nakikita pa rin niyang nahihirapan ang tunay niyang mga kababayan. At sa kanilang mga isipan, nag-iiba na si Isagani at paunti-onting nagiging Kastila. Ang kaniyang pagligtas sa sambayanan ay tila di nagpabuti sa kalagayan ng komunidad at mas pinalala lang nito ang lahat.

Dahil dito, paulit-ulit naglalakbay sa kaniyang isipan ang pagsisisi.

-Pepe
(Carlo Balmaceda)

No comments:

Post a Comment