First time kong magluto kanina. Sabi ng aking mahal na si Maria Clara na masarap daw ito. Pero hindi ko alam kung mahal lang talaga niya ako o sadyang masarap nga talaga ang ginawa ko.
Ginawan ko siya ng leche flan. Hinanap ko pa ang ingredients nito sa mga recipe book ng aking mahal na ina. Ididikit ko ang pinunit kong pahina sa kanyang cookbook. (Hindi naman niya ito nakita kahit katabi ko siya. Hihi)
Preparation time: 30 minutes
Estimated cooking time: 1 hour
Leche Flan Ingredients: |
-
1 can (390g) evaporated milk
-
1 can (390g) condensed milk
-
10 egg yolks
-
1 teaspoon of vanilla extract or lemon essence
For the caramel:
-
1 cup sugar
-
3/4 cup water
Leche Flan Cooking Instructions: |
-
In a saucepan, mix the sugar & water. Bring to a boil for a few minutes until the sugar caramelize.
-
Pour the caramelized sugar into aluminum moulds - you can use any shape: oval, round or square. Spread the caramel on the bottom of the moulds.
-
Mix well the evaporated milk, condensed milk, egg yolks and vanilla by hand or blender.
-
Gently pour the mixture on top of the caramel on the aluminum moulds. Fill the moulds to about 1 to 1 1/4 inch thick.
-
Cover moulds individually with aluminum foil.
-
Steam for about 20 minutes (the traditional way to make Leche Flan is by open-air steaming on either an open cooking fire or stove top) OR
-
Bake for about 45 minutes. Before baking the Leche Flan, place the moulds on a larger baking pan half filled with very hot water. Pre-heat oven to about 370 degrees before baking.
-
Let cool then refrigerate.
-
To serve: run a thin knife around the edges of the mould to loosen the Leche Flan. Place a platter on top of the mould and quickly turn upside down to position the golden brown caramel on top.
Napakaganda noh? Kinikilig ako ngayon habang sinusulat ko itong blogang ito. Gayunpaman, pumunta ako sa tahanan ni Maria Clara at hinintay ko siya sa kanilang azotea. Kinakabahan ako nun dahil may mga bisita sila galing ibang bayan. Pagbaba niya sa hagdanan, lumaki ang ngiti ko. Pina-upo niya ako at binigay ko ang aking masterpiece na leche flan. Natuwa siya at nagmadaling pumuntang kusina para kumuha ng platito at tinidor.
Maria Clara: Napakasarap naman nito, Pepe.
Ako: Talaga? (blush)
Maria Clara: Oo, naku! Hindi ito puwede, tataba ako nito.
Ako: Okay lang yan, mas masarap nga yung may napipisil pisil eh.
Maria Clara: Sira ka talaga.
Kinailangan na niyang puntahan ang kanyang mga bisita kung kaya't nagpaalam na ako at umuwi.
Napakasaya ng pakiramdam ko ngayong gabi. Sana ay lagi ng ganito. Sa susunod ay lulutuan ko siya ng Kare-kare at dadalhin ko sa magandang garden at magpipiknik kami duon.
AdiĆ³s amigo!
(Ashley Siy)
No comments:
Post a Comment