Tuesday, January 12, 2010

Ang Bahay Ni Rizal (Rizal Builds A House)

Simpleng Bahay lamang ang gusto ko.. isang normal na bahay na may:
- Kitchen
- Dining
- Living
- Bedroom (2) :
isa para sa akin at isa para sa aking maaring maging bisita.










Kahit simple lamang ang plano ng aking bubuuing bahay, gusto ko pa rin maging maganda ang itsura nito mula loob hanggang labas kung kayat talagang dinisenyohan ko ito ng maganda. Ang bahay ay gawa sa kahoy, semento, at bato. Pinuno ko rin ito ng mga halaman at puno sa paligid para may mararamdaman pa rin akong malamig na simoy ng hangin.










Naglagay ako ng "pond" kung saan maari akong makakapagalaga ng isda. Isa rin itong paraan upang maalis ang aking pagod sa mga panahon na marami talagang ginagawa. Makita ko lamang ang parteng ito ng kanyang bahay, agad na akong natutuwa.











Ito ang kwarto ko. Dito umiikot ang aking buong araw. May kama, may duyan kung saan ako ay nagpapahinga o di kaya'y nagbabasa ng mga nobela at libro, mayroon ding lamesa na maari kong gamitin kung may naisip akong bagong nobela o tula. Sinadya kong itapat ito sa mga puno para na rin maging malamig ang paligid ko at parang hindi ako umalis sa dating bahay namin.











Ilan lamang ito sa mga paboritong parte ko ng aking bahay. Sana ay magustuhan ito ng mga tao. Baka sakali maari ulit akong magaral. Baka sa susunod na mga taon ako naman ay maging arkitekto.


Jose "Pepe" Rizal
(Kristina Salac)

No comments:

Post a Comment