Wednesday, February 24, 2010

Pagsali ko sa KKK

Anak ng siopao!!! Napakadire ang ginagawa sa pagsali sa KKK. Una, ang daming tanong, siyempre! sobrang dali ko lang sinagutan ang mga iyon. Umabot nga sa punto na di na nila maintindihan ang malalim kon tagalog. Ngunit, mayroong nang ilang mga pagkakataon na muntikan na ko mag-Espanol. Buti na lang napigilan ko sarili ko. Pagkatapos na kanilang pagtatanong, may kailangan nang sandugong gawin. Noong una, akala ko parang kukuha kaming dugo ng hayop, baboy or kung ano man, tapos ipapahid sa aming mga mukha para nakatatakot kami sa mga kastila. Ngunit, ako'y nagkamali. Sariling dugo pala ang aming gagamitin. Hihiwain namin ang aming sarili tpos kukunin ang dugo. Nang hihiwaan na ko, sinabi ko sa kanila na mali ako kanilang puwesto nang paghiwa. Nakamamatay kung sa angulo nang paghiwa ay ganun; sakto sa napakalking ugat iyon at ubos ang dugo pag ganoon. Kaya dahil dito, ako na mismo ang kuha ng kutsilyo at humiwa sa lahat nang nagnanais sumali. Tinapos ko ang higt na 50 tao tapos ako na rin ang humiwa sa akin. Ano kaya ang magagawa nila kung wala ako. Buti na lang DOKTOR Jose Rizal ako.

Thursday, February 18, 2010

Pena

Ang pangatlong nobela ni Dr.Jose Rizal ay Pena (Regret). Ito ang pagpatuloy ng kuwentong nagmukhang natapos sa El Filibusterismo. Ngunit sa panahong ito, hindi na si Crisostomo Ibarra o Simon ang bida kundi si Isagani, ang naglitas sa sambayanan mula sa paputok na inilagay nila Simon. Dahil sa kabayanihan na isinagawa ni Isagani, napakalaking utang na loob ng lahat ng Kastila sa kanya at dahil dito, binigyan siya ng mga papuri na sobra-sobra. Umangat na ang kaniyang pamumuhay at biglaan na siyang nagustuhan ni DOnya Victorina, ang tiya ni Paulita Gomez, ang kaniyang kasintahan.

Ngunit sa patuloy na pag-angat ng kaniyang pamumuhay, naguguluhan ang kaniyang isipan dahil nakikita pa rin niyang nahihirapan ang tunay niyang mga kababayan. At sa kanilang mga isipan, nag-iiba na si Isagani at paunti-onting nagiging Kastila. Ang kaniyang pagligtas sa sambayanan ay tila di nagpabuti sa kalagayan ng komunidad at mas pinalala lang nito ang lahat.

Dahil dito, paulit-ulit naglalakbay sa kaniyang isipan ang pagsisisi.

-Pepe
(Carlo Balmaceda)

Thursday, February 4, 2010

pumusta ako!

noong isang gabi, wala akong magawa. nabasa ko na lahat ng mga librong nais kong basahin. nabato na ako sa sobrang walang gumawa, pero bigla na lamang dumating si Andres Bonifacio, nagmamadali. ang sabi ko sakanya, huminahon ka, ano bang nangyayari? sagot ni Bonifacio. "mayroon na akong nahanap na paraan para tayo'y kumita ng madaling pera! mabilis lang!" natuwa naman ako si ideya niya, sino ba naman hindi gustong kumita ng pera. tinanong ko naman siya, "Eh ano naman yan papasukin natin?" sabi ni Bonifacio, "pupusta tayo sa NBA!"

"NBA? ano naman yun? anong klase pustahan yan?"

"Ang NBA ay National Basketball Association! Basketball kapatid! madali lang ito! hindi ko na mapapaliwanag sayo ang laro, pero alam ko kung kanino tayo dapat pupusta! pupusta tayo dun sa magaling, sinabihan na ako kung sino ang magaling kaya sigurado na ito!"

"Sinu-sino ba ang maglalaban?"

"Ang LA Lakers pati ang Charlotte Bobcats! +9.5 ang Bobcats, kaya sure LA na tayo! champion sila yun nakaraang taon, ang charlotte laging kulelat dati, kaya LA na tayo! nandun pa si Kobe Bryant, magaling yun! bali na daliri, magaling parin! Ano, maglalagay na ako ng isang libo! Eto na ang naipon ko, sali ka na!"

"sigurado ka ba diyan? Kobe Bryant sabi mo? pano naman naging maging eh bali pala daliri! + 9.5, ang ibig sabihin ba nun ay idagdag yun sa puntos ng Bobcats?"












"oo, ganun na nga. pero wag mong intidihin yun! ako
bahala, sabi ko nga sayo champion ang lakers dati! kahit na isa nalang din ang kamay ni kobe, magaling parin yun!"

"Dati lang naman yun ah, at sabi mo DATI lang din bulok at kulelat ang Bobcats!"

"bahala ka na nga. basta ako kikita ng pera!"

napaisip tuloy ako. pera din yun. champion nga naman ang LA Lakers, may tiwala naman ako kay Bonifacio. hmmmmm..........

"teka teka. sige na nga! isang libo rin ang ilalagay ko!"

"yan! sige babalitaan nalang kita kung kelan natin makukuha ang pera natin ;)"

noong susunod na araw, maalat ang mukha ni Bonifacio. ALAM NA.

Sa susunod, hindi na ako basta basta pupusta sa NBA na yan. wala naman akong alam diyan. nasayang pa pera ko. o hindi kaya, kukuha ako ng mas may alam sa NBA, so Bonifacio mukhang puro tapang lang, laban lang ng laban. hay nako, sa susunod pag nakapag-ipon na ako baka bumawi narin ako!

-Pepe
(Shaun Lim)