Hindi ko alam kung bakit ko ito pinasok. Hindi naman talaga ako nararapat dito; wala naman akong taglay na lakas para makasama sa mga militar. Akala ko pa naman ay lalakas ako kapag sumali ako, subalit parang nanghina lang yata ako. Lagi na lang sumasakit ang katawan ko habang ako’y nageensayo kasama ang KKK, lumalambot na yata mga buto ko. Nadala lang ata ako sa mga pangako ng KKK na makatutulong ito para sa akin. Kung kaya ko lang magpatuloy (para lumaki naman ang katawan ko, siguradong dagdag benepisyo yan sa mga babae!) itutuloy ko, pero ang hirap talaga!
Grabe ang kanilang pang araw-araw na ensayo, kay aga-aga gumising ng mga tao! Inuunahan pa ang tilaok ng manok. Nakapikit pa ang mga mata, tapos nang mag-almusal at maligo mga kasama ko. Ang nakakatawa pa, kakaligo nga lang naming, tumatakbo na kami at dumadaan sa obstacle course kung saan kailangan namin gumapang sa putik! Hindi ko nakayanan, nadudumihan lang ang kutis ng mukha ko.
Hindi ko rin kayang tumanggap ng utos sa mga tagapamuno sa aming military camp, ginagawa na kaming mga utusan doon. Ang ayoko sa lahat, ginagawa akong utusan. Push up dito, push up doon, buti kung sinasabayan nila ako eh hindi naman. Parang mga kastila, gawin niyo ito, gawin niya iyan, hindi naman sumusunod sa sariling mga patakaran o utos. Bahala na ang KKK, sila na sa labanang pisikal, hindi talaga ako nararapat diyan. Mas mabuti na lang yata na pagtuunan ko ng pansin ang aking pagsusulat, dito naman ako magaling. Kukumbinsihin ko na lang ang aking sarili na sa aking pagsusulat, nakatutulong din ako.
Marami rin naman akong natutunan sa aking maikling pagsasama sa KKK. Una, mahina talaga ako. Pangalawa, magaling din pala ang KKK; natutunan ko silang respetuhin at naunawaan ko kung bakit gusto nila ng rebolusyon at hindi lamang reporma sapagkat, mukha naman may pisikal na kakayahan sila para makipaglaban sa mga Espanyol. Hmmm, napapaisip tuloy ako lalo. Reporma nga ba o rebolusyon ang nararapat?
-Shaun Lim
Sunday, March 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment